17 Vote Counting Machines na hindi ginamit natuklasang may lamang data ang mga SD cards



Aabot sa mahigit 100 mula sa 1,400 ng vote counting machines (VCMs) na hindi nagamit noong nadaang eleksyon ang kargado o may mga lamang datos sa kabila ng pagiging ‘spare’ lamang ng mga ito.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni dating MMDA chairman, Atty. Francis Tolentino na bilang mga ‘spare’ hindi dapat nabuksan o nagalaw ang nasabing mga VCM.

Gayunman, sa isinagawang paglilipat kahapon ng Comelec sa nasabing mga makina pabalik sa Smartmatic, nadiskubre na 117 sa mga ito ay may laman ang SD cards.

“Mga unused, spare po ang mga ito, back-up lang, ibig sabihin hindi nagamit nung eleksyon, pero bakit may SD card na may laman?” ani Tolentino.

Nangangamba ang kampo ng nasabing senatorial candidate na baka ginamit ang nasabing mga VCMs lalo pa at ang mga datos dito ay kayang itransmit kahit saan at kahit anong oras.

Mula sa warehouse ng Comelec sa Sta. Rosa, Laguna, nalipat na kahapon sa Smartmatic ang nasa mahigit 1,300 na VCMs.

Ayon kay Tolentino, sinimulan ng umaga ang paglilipat na inabot ng madaling araw.

Nagtataka din si Tolentino kung bakit itinuloy ng Comelec na ilipat o ibalik sa Smartmatic ang nasabing mga hindi nagamit na VCMs gayung may utos ang Senate Electoral Tribunal (SET) na huwag munang ilipat ang mga ito.

Hindi rin umano en banc decision ang paglilipat at tanging si Comelec Commissioner Arthur Lim lamang ang nag-utos. Nakatakdang kwestyunin ng kampo ni Tolentino sa Comelec ang natuklasang SD cards na may datos sa loob ng mga ‘di nagamit na VCM.

Source: Newstrendph

LIKE US ON FACEBOOK FOR MORE NEWS UPDATE IN THE PHILIPPINES


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newsfileph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.


Loading...
17 Vote Counting Machines na hindi ginamit natuklasang may lamang data ang mga SD cards 17 Vote Counting Machines na hindi ginamit natuklasang may lamang data ang mga SD cards Reviewed by TrendingPH on 10:13 PM Rating: 5

No comments:

Random Post

Powered by Blogger.