Japan Nag Donate Ng Surveillance Aircraft Sa Pilipinas Para Gamitin Sa Pagbabantay Sa Teritoryo Ng Bansa
Nakatakdang pirmahan ngayong araw ang kontrata ng pagrenta ng Pilipinas sa mga lumang surveillance aircraft ng Japan.
Ayon kay Defense Undersecretary Raymundo Elefante, limang TC90 aircraft ang rerentahan ng Pilipinas para magamit sa pagpapatrolya sa teritoryo ng bansa.
Ani Elefante, taun-taon, babayaran ito ng Pilipinas ng halagang US$28,200 o higit P1.3 million lamang.
Sa limang eroplano, apat dito ang nagkakahalaga ng mahigit P300,000 o $7,000 bawat isa habang US$200 lang kada taon ang renta sa ikalimang aircraft.
Paliwanag ni Usec Elefante, luma na kasi ang mga eroplanong ito ng Japan kaya napakamura ng arkila.
Giit ng opisyal, hindi na lugi ang Pilipinas sa magiging lease agreement dahil bukod sa murang pagrenta ng eroplano, may libreng training pang ibibigay ang Japanese military.
Samantala, wala namang tiyak na panahon kung hanggang kailan ang arkila sa limang eroplano pero umaasa ang opisyal na sa huli, ibibigay na rin ang mga ito ng libre ng bansang Japan sa Pilipinas.
Source: Newstrendph
LIKE US ON FACEBOOK FOR MORE NEWS UPDATE IN THE PHILIPPINES
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newsfileph.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.
Loading...
Japan Nag Donate Ng Surveillance Aircraft Sa Pilipinas Para Gamitin Sa Pagbabantay Sa Teritoryo Ng Bansa
Reviewed by TrendingPH
on
2:30 AM
Rating:
No comments: