TRILLANES AT DE LIMA, MAARING SUSPENDEHIN O PATALSIKIN SA SENADO
Naniniwala ang ilang senador na hindi dapat kunsintehin ang mga inasal o ipinakita nina Sen. Leila de Lima at Sen. Antonio Trillanes IV sa nagdaang pagdinig kaugnay sa umano’y extrajudicial killings sa Davao City noong si Pangulong Rodrigo Duterte pa ang alkalde ng lungsod. Ayon kay Sen. Richard Gordon, maaring maharap sa kaparusahan tulad ng pagpapatalsik sa Senado sina De Lima at Trillanes dahil sa mga ginawa ng dalawa sa nasabing pagdinig. Ito ay may kaugnayan sa mga binitiwang pahayag o “unparliamentary acts” nina Trillanes at De Lima sa huling bahagi ng pagdinig kung kailan nagkakainitan na ang ilang mga senador nang akusahan ni Gordon si De Lima ng material concealment dahil hindi nito sinabi na may kasong kidnapping pala ang witness na si Edgar Matobato. Bigla na lang nawala sa Senado si Matobato, at inako naman ni Trillanes na siya ang nagpaalis ng maaga sa testigo para na rin sa kaligtasan nito.
Ani Gordon, unparliamentary ang ginawa ng dalawa na pagbibitiw ng mga hindi magandang pahayag sa labas at loob ng session hall, at ang pagsasalita ng hindi maganda tungkol sa komite. Aniya pa, maaring maglabas ang Senado ng pormal na pahayag ng pag-puna o pagkadismaya sa ginawa ng dalawa, posible rin aniya silang suspendehin o kaya ay maaring umabot pa sa pagpapatalsik sa kanila sa Senado. Dagdag pa ni Gordon, ikokonsulta niya ito sa committee on rules o sa committee on ethics upang malaman kung ano ang tamang gawin.
Hindi niya aniya kayang palampasin ang ganitong isyu dahil reputasyon ng Senado ang isinaalang-alang ni De Lima nang paghintayin nito ang mga inimbitahang tao pagkatapos ay bigla na lamang magwo-walk out. Iginiit rin ni Gordon na dapat humingi ng tawad sina Trillanes at De Lima sa Senado dahil sa kanilang mga ginawa, lalo’t sa palagay ng senador ay may tinatago ang dalawa sa kanila.
Source: balitangpinas
Loading...
TRILLANES AT DE LIMA, MAARING SUSPENDEHIN O PATALSIKIN SA SENADO
Reviewed by TrendingPH
on
1:52 AM
Rating:
No comments: