Pinag-isipan ng DepEd na ipapa Drug Test raw ang Mga Guro At Estudyante



Seryosong ikinukunsidera ng Department of Education ang pagsasailalim sa taunang drug test sa lahat mga guro sa mga pampublikong paaralan at random drug test naman sa mga estudyante.

Ayon kay Education Seretary Leonor Briones, bahagi ang naturang plano sa kanilang ‘proactive measures’ upang maisulong ang antidrug campaign ng Duterte administration sa sektor ng edukasyon.

Sa pagharap ni Briones sa Senate finance subcommittee para sa kanilang hinihinging P566 bilyon na budget para sa susunod na taon, ipinaliwanag ni Briones na apektado rin ng droga ang mga pampublikong paaralan.

At bilang pakikibahagi sa kampanya kontra droga, dapat aniyang magsilbing ehemplo ang mga guro sa kanilang mga estudyante.

Sa panig naman ng mga mag-aaral, isasagawa ang drug test sa pamamagitan ng ‘sampling basis’.

Gayunman, kukunin din muna ang permiso ng mga magulang ng mga estudyanteng isasalang sa drug test bago ito isagawa.

Dagdag pa ng kalihim, kanilang pag-aaralan kung ipapatupad ngayong taon o sa susunod na taon ang drug test sa mga teacher at mag-aaral.

Sa kasalukuyan, may 722,000 public school teachers at 25 milyong mag-aaral sa buong Pilipinas.

Source: Newstrendph


Loading...
Pinag-isipan ng DepEd na ipapa Drug Test raw ang Mga Guro At Estudyante Pinag-isipan ng DepEd na ipapa Drug Test raw ang Mga Guro At Estudyante Reviewed by TrendingPH on 6:56 AM Rating: 5

No comments:

Random Post

Powered by Blogger.