Panoorin: Mga High Profile Inmates Patay sa Riot sa New Bilibid Prison



Nagsasagawa na ngayon ng malalimang imbestigasyon ang Bureau of Corrections (NBP), makaraang magkaroon ng riot sa building 14 ng maximum security compound.

                                                                   

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, kabilang sa mga naitalang sugatan sina Jayvee Sebastian, Peter Co, Tony Co at Vicente Sy.

Naitala umano ito kaninang alas-7:40 ng umaga.

Sa ngayon ay may impormasyong pumanaw na si Tony Co dahil sa tindi ng inabot nitong sugat.

Si Tony ay kilalang drug lord na kabilang sa Bilibid 19 na inilipat noon sa NBI detention facility. Stable naman si Sebastian na nananatili pa rin sa pagamutan.

Una rito, tinukoy ni Sen. Leila de Lima si Sebastian bilang government asset kaya napag-iinitan ng ibang bilanggo.

Binansagan din si Jayvee bilang "king of drug lords" matapos umanong ma-centralize ang drug operation sa NBP noong 2014.

                                                                   

Isa siya sa nais sanang paharapin sa House inquiry sa susunod na linggo para magbigay ng testimonya ukol sa drug trade sa NBP, ngunit hindi ito pumayag.


Tetestigo lang umano ito para sa anomalya ng pagkain sa bilangguan at hindi sa ibang usapin.

Loading...
Panoorin: Mga High Profile Inmates Patay sa Riot sa New Bilibid Prison Panoorin: Mga High Profile Inmates Patay sa Riot sa New Bilibid Prison Reviewed by TrendingPH on 8:31 PM Rating: 5

No comments:

Random Post

Powered by Blogger.